May love ba na nabubuo sa pagtetext lang? Huh?! When I first heard about it I was so hesitant at all. I thought, What stupidity is that? Loving a person by just exchanging text?!

wohhhh! OK. I think I’m just being so over acting about this matter. But seriously if you gonna fall in love it must be with someone you personally know, or who is always there beside you all along. But falling in love with merely exchanging messages with someone you don’t even know is just plain stupidity.

BUT, yung ang akala ko. Talaga nga naman. Kapag nga naman ikaw na ang naka experience ng bagay na pilit mong hindi pinaniniwalaan eh mas doble pa ang epekto nito sayo.
Bakit?? because, I totally screwed it all up. Akala ko hindi nangyayari sa totoong buhay ang mga topic na ganon. But not until somebody have crossed my path.

Ok. May looks siya. May sense kausap. Parati pang nagrereply. Sa lahat ng mga taong nakaka text ko iba ang nararamdaman ko sa kanya. Everyday, na magka text kami. I learn something new about this person. At isa na doon yung feeling na in love na pala ako sa kanya. Ironically speaking, na fall ako sa taong katextmate ko. Hindi ko na napaglaban ang paniniwala ko sa usaping iyan pagkatapos ng mga bagay na naramdaman ko sa kanya. Everything felt so different now that I have actually into this kind of emotions.
The more we talk the further I fall deep. And now I have realized one thing. Hindi pa kame nagkikita ng personal. Yung unang claim ko na hindi pwedeng ma in love ang isang tao sa taong hindi pa nya nakakasama ay hindi basehan ng pag-ibig. Now I’ve learned that everything we consider right is just plain guideline for a much complicated situation. At malinaw na saken na mali ang paniniwalang yun. At alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman ko.

Nagtanong ako sa isa sa mga kinokonsidera kong bestfriends.

Me : Matanong kita, posibe bang ma fall ka sa isang ka textmate mo?

BFF : SIYEMPRE IMPOSIBLE YUN

Me : hahahaha OK! Pero you’re WRONG!

BFF : I’m Right. Love kasi ang usapan……. the word itself… kaya imposible talaga…. siguro ibang feelings yan.. but not love.

Hmm. OK. I respect his opinion. But I’ve already proved it once na mali ang inakala kong imposibleng mangyari.

Then, everything went so fast. Parati kaming nag-aaway. Tinatanong ko xa kung ano ba ang problema, bakit siya nagkaka ganon? Sinabi niya na. Nagagalit siya kasi kung ano ano ang nakikita niya sa Facebook account ko. Mga taong sweet sa comment. Kaibigan ko daw ba yun oh baka ano na. Naging makulit ako sa kakatanong. “bakit kailangan mong magalit sa kanila hindi ka naman nila inaano?” Natagalan siya bago mag reply “Nagagalit ako sa kanila kasi nagseselos Ako”. I know. Imbes na magalit ako. Natuwa ako sa narinig ko. “Nagseselos siya, isa lang ang makikita kong dahilan kung bakit siya nagseselos ng ganon sa mga taong yun, hindi kaya may pagtingin din siya saken?”

Araw-araw parati akong masaya. Parati akong naka smile. Malaki talaga ang naitulong niya saken. Mas naging light ang feelings ko. Paminsan minsan nag-aaway parin kame, sa mga bagay na walang katuturan. Pero kahit araw-araw kameng nag-aaway. Mas lalo ko siyang minahal.

Then one day bigla nalang nagbago ang lahat. I was browsing my Facwbook account, tapos nakita ko yung relationship status nya is single. “What the hell? Kailan pa siya naging single? wala kameng formal break up oh kahit nagparamdam man lang siya na gusto niyang makipag break? tapos eto ngayon?”
Tinext ko siya, hoping for an honest and truthful answer pero nabigo ako. Sabi niya we better off by friends nalang daw. I cried all day since then. Di ko alam ang gagawin. “we better off by friends?” ngayon pa na alam kong gusto mo din ako? Pero dahil mahal na mahal ko siya at ayokong isiping mawala siya sa buhay ko, nagpaka-tanga ako. Hinayaan ko siyang mahalin yung kaibigan niyang mas nauna niyang i-text kesa sakin.

Gulong gulo ako. Nasasaktan ako kapag nalalaman ko kung anong mga plano nila. Pero duwag akong kalimutan siya. Tiniis ko nalang ang sakit na nararamdaman ko, ma feel ko lang na parati siyang nasa tabi ko. Kahit alam kong ka-tangahan na ang lahat, mas gugustuhin ko nalang ‘to para sayo.

Hanggang ngayon magka-text paring kame. Hindi parin kame nagkikita. Pero despite all of those circumstances hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Now I’m totally convinced that this is not just any other feelings. But rather, an unconditional love. Love that is not selfish. Meron akong napagsabihan ng story na to. He said to me that “nagmahal ka lang ng totoo. At I’m so proud of you, ipinamalas mo yung isang klase ng love na hindi ganid at hindi humihingi ng kapalit. Ang masasabi ko sa kanya isa siyang walang kwentang tao. Pinagpalit ka niya sa iba ngunit hindi niya nakikita kung gaano siya ka swerte kung ikaw ang pipiliin niya” Kahit papaano natanggap ko na din ang lahat. Nagmahal ako ng isang tao sa text. Sumasaya sa piling niya dahil sa text. At nabigo dahil sa text.

Dahil doon naging mas malinaw na sa aking ang lahat. Mahirap na masarap ma in-love sa text, nakakatawa mang isipin pero totoo. Hindi gumana ang standars ko sa pagkakataoong ito. Mas minahal ko kung ano ang pagkatao niya at kung ano ang maganda sa kanya. Hindi ako tumingin sa pisikal na anyo kasi mas nauna kong nakilala kung ano ang magagandang ugali niya. Minsan ma-pride, hindi nagpapakita ng kalambutan sa puso. Pero dahil doon mas naintindihan ko na ang lahat. Mahirap na masarap sapagkat tunay na damdamin mo ang pagbabasihan mo ng lahat. Magiging masaya ka dahil yun talaga ang nararamdaman mo. Malulungkot dahil nasasaktan ka sapagkat yun talaga ang hinihingi ng pagkakataon. Dahil doon para akong umibig ng walang mata. Natuto lamang akong makinig kung ano ang tinitibok ng anking puso. Natutong nakiramdam kung anong dapat gawin. Dahil dun mas naintindihan ko ang lahat.
Ngayon we remain friends. Nanghihingi siya ng pagkakataong magkita na kame ngunit hindi pa ako handa. Darating ang araw na magiging maayos na ang lahat at makakaya ko ng indahin ang nakaraan.
At kapag nagkita kame. Sana bagong simula na ulit.

Ako si Jon at hindi ko akalaing mai in-love ako sa text hanggang naramdaman ko ito.
Ikaw na in-love ka na rin ba sa text?